JOHN GOES TO LAOAG

Posted by John Pel On July - 14 - 2009

I love loag city. Laog city is the cleanest city in North Luzon

POST-TITLE-HERE

Posted by Author On Month - Day - Year

I love blogging. This is my life.

HONGKONG

Posted by Author On Month - Day - Year

I love hongkong.

GLOBE TELECOM

Posted by Author On Month - Day - Year

ako ay tao

TAGAYTAY

Posted by Author On Month - Day - Year

tagay tay to

Philippine ePassport

Posted by ireport On 9:17 PM 0 comments

Department of Foreign Affairs issued on Tuesday the first ePassport with Serial number of EA0000001to President Macapagal Arroyo, who graced the launching of the state-of-the-art passport during the department’s 111th founding celebration.

Today more than 60 countries now use the ePassport. This passport contains tamper-proof electronic microchip enhanced with a hidden encoded image, an ultra-thin holographic laminate.

Philippines new Epassport costs Php 950 and available in Department of Foreign Affairs office in Pasay City.



Goodbye Yellow Girl Icon: Cory Aquino

Posted by ireport On 12:23 AM 0 comments

Cory Aquino: Isang tunay na bayani sa modernong panahon.

Nakita ko sa unang pagkakataon si Tita Cory Aquino I think 7 years old pa lang ako noon sa aming lugar sa Odiongan Romblon. At nasundan ito noong Edsa Dos actually sa harapan ko sya dumaan noong umakyat s’ya sa stage para masaksihan ang panunumpa ni President Gloria Macapagal Arroyo.

At sa huling pagkakataon noong Lunes ng gabi August 3, 2009 ay nasaksihan ng aking mata ang wala ng buhay na isang tunay na bayani sa kapanahunan ngayon. Simula Letran hanggang Pamantasan ng Lungson ng Manila tapos iikot uli pabalik ng Manila Cathedral. Ito’y akong tiniis makita ko lang si Tita Cory. Kahit ang panahon ay maulan ako ay patuloy pa rin sa pagaantay hanggang sa marating ko ang dulo ng ikot sa PLM. Halos ng marating naming yon sumigaw ang karamihan kasi yon gang sinasabi sa amin ng iba na kapag nakarating kami sa dulong yon dapat sumigaw raw kami. Napakaraming tao ang pumila kahit umuulan patunay laman na marami ang nagmamahal sa tinaguriang Democracy Icon.

Eksaktong alas Doseng gabi ng aking masilayan ang labi ni Tita Cory. Una ko kaagad napansin ang pagbabago ng anyo ni Tita Cory. I think dala na rin ng sakit n’ya at sa tagal na rin na walang kinakain. Iba ang pakiramdam ko noong nakita ko s’ya nanlalamig at excited dahil sa dinami dami ng mga tao isa ako sa mga nakasaksi ng sa labi nya.

August 5, 2009 ang paghahatid sa huling himplayan ni Tita Cory. Ito’y aking nasaksihan. Umalis ako ng aking boarding house ng 11.00 a.m. after na mapanood ang pagsasalita ni Kris Aquino sa Manila Cathedral. Tumuloy ako ng Sucat para doon antayin ang labi ni Tita Cory. Ilang oras din akong nag antay sa may pagitan ng Shell at Petron Station malapit sa Manila Cemetery. Mag aalas nuebe ng gabi ng dumating ang truck kong saan nakapatong ang labi ni Tita Cory. Hawak hawak ko ang kandila at nakataas ang aking kanang kamay na naka letter L. Para sa akin ang letter L na sign ay laban ni Tita Cory na laban ko na rin. Sa akin kasi si Tita Cory ang nagsimula ang bawat isa sa atin ay lumalaban para sugpuin ang patuloy na yumuyurak sa bansa natin. Mga ibat ibang sakit na patuloy na bumabalot sa bansa natin. Sakit tulad ng kurapsyon.

Salamat Tita Cory dahil pinatunayan mo na ikaw ang Democracy and Yellow Girl Icon. Hinding hindi po naming kayo makakalimutan.

Paalam Tita Cory.



    TIME

    Romblon

    Lenzus Photo Sharing